Nakakagulat.
Pasado alas onse na at wala na naman akong magawa para mapasaya ang sarili ko. E kung magjakol na lang kaya ako? Ay, ayaw ko. Wala pa ako sa tamang wisyo para magjakol ngayong gabi. Maya-maya siguro kapag nalibugan na ako.
Kanina pa ako nguya ng nguya ng putaragis na doublemint na ‘to. Para akong kambing. Ay, oo nga pala ikekwento ko na lang sa inyo kung anong nangyari sa araw ko. Matutuwa ka dito, pangako.
Ang aga kong nagising kanina, daig ko pa ang may birthday sa sobrang excited kong mag-enroll. Pasado alas nueve ako umalis ng bahay, panigurado kasing kahit na alas dose ang sinabing oras ng simula ng enrollment e maaga ito sisimulan. Napakadami kayang estudyante ng Santo Tomas. Pumila ako ng mahigit apat na oras sa Seminary Gym. Inuna ko muna ‘yung P.E. ko, sa awa naman ng Diyos e may katuturan na siya. Korfball daw ‘yung P.E. ko ngayong semestre. Bago sa pandinig, mukhang masaya.
At dito na magsisimula ang masaklap na pangyayari..
Pumila ako sa billing section, ah basta doon kung saan malalaman kung magkano ba ang babayaran. Nagulat ako nang sabihin niya sa akin na wala pa raw akong nakaencode na subjects. Nataranta ako at nagtanong sa nakakaalam. Pumunta raw ako sa building ng eng’g at tanungin ang department chair tungkol sa schedule ko. Alam mo ba kung gaano kalayo ang Seminary Gym sa Eng’g building. Anak ng kabayong bundat naman oh. Tirik na tirik si haring araw at paglalakarin ako ng ganoon kalayo. Pero ano pa bang magagawa ko, edi naglakad ako.
At muling sasaya ang kwento..
Kinausap ko siya tungkol sa problema ko, sa totoo lang e wala naman daw akong dapat problemahin kasi hindi lang naencode ang mga subects ko pero maaari pa rin akong mag-enroll. Oh anong ligaya sa pakiramdam, para kang nabunutan ng buto ng manok sa lalamunan mong tuyot na tuyot sa tubig.
At diyan nagtatapos ang aking madaming lunes mga kaibigan.